Friday, August 31, 2007

Kalokohan at Kakornihan

CRUZANA JR, WILLIAM O. FIL10 / AY02 SETYEMBRE 1, 2007

TAKDANG-ARALIN BLG. 2 PROF. FAJARDO

NOTE: Kalokohan lang to, pero assignment.

PARABULA – “Ang Pagkakamali”

S- SETTING – Sa kalagitnaan ng isang gubat, may nuno sa punso na nakatayo. Sa nuno sa punso na iyon, may mansyon ng isang pamilyang langgam.

P- PARTICIPANTS – Ang nakatira sa mansyon sa loob ng nuno sa punso na iyon ay sina Gustang at Biling na langgam kasama ang 2 anak ni Biling. Si Gustang, na sing laki ng bangaw at kilala sa pagiging matapang, ay ang tumatayong ama sa naiwang pamilya ni Melong, ang dating asawa ni Biling.

E- ENDS – Nagsimula ang kaguluhan sa pamilya nang pumasok sa pinto si Gustang na lasing dahil kakagaling lang sa kaarawan ng kaibigan. Nakita niya doon ang dating asawa ng kinakasama na si Melong. Ayaw man niyang sabihin ay gusto niyang ipaalam ito kay Biling.

A- ACT OF SEQUENCE - “Biling, wag ka magugulat. Buhay pa si Melong.” Sinabing mahinahon ni Gustang. Sumagot si Biling habang naglalagay ng Pond’s Moisturizer sa mukha, “Sira-ulo! Wag mo kong lolokohin.” “Hindi kita linoloko. Babarilin ko na sana e!” Sambit ni Melong habang tinatanggal ang kanyang leather na jacket. Umiyak ng umiyak si Biling at pinagpabukas na lang ang usapan.

K- KEYS – Kinabukasan, nagplanong puntahan ni Biling si Melong na napabalita niyang nakatira sa condominium sa itaas ng puno. Kinausap muna niya ang kanyang mga anak… “Papaano kung buhay pa ang inyong ama?” Sabi ni Biling sa kanyang mga anak habang nagae-aerobics. “Mommy, ayos lang po kung buhay pa si daddy. Wala kasi pong kwenta yang si Gustang mo. Laging lang po hinihingi lang ang pera mo.” Sumabat agad panganay na anak na kumukuha ng BS Computer Science sa kolehiyo. “Mommy, ayoko na po siya mabuhay. Di na naman ako makakapagyosi at makakainom.” Dahil sa walang kakwenta-kwentang sagot ng lalaking anak, pinagsasampal ni Biling ang lalaking anak gamit ang maraming kamay nito.

I- INSTRUMENTALITIES – Nag-text si Melong kay Biling para sabihing lasenggero si Gustang. “Buhay nga ang loko!” Sigaw ni Biling. Tinawagan ni Biling si Melong dahil hindi na siya makapagpigil. “Hello! Kailangan natin magkita! Choppy ka… Ayusin mo.” Binabaan ni Melong si Biling ng cellphone. Tinawagan ulit ni Biling si Melong.

N- NORMS – Nag-usap sila tungkol sa kanilang dalawa. “Patay ka na dba?! Ba’t buhay ka?” Sabi ni Biling na kumakain ng chocolate. Sumagot ang kausap, “Sino ka? I don’t know you, girl!” “Melong! Si Biling to! Ang asawa mo. Sabi mo ay patay ka na? “Hello girl! Si Gela to. Dating si Gelo. Melong ka diyan! Patay na yun diba?! Eklaboo eklaboo chenes chenes ka diyan!”

G- GENRE – Nanggagalaiti si Biling. Napagkamalan lang pala ni Gustang na si Melong si Gela. Pumasok si Gustang at nagaway sila. “Hindi si Melong yon hunghang!” galit na sinabi ni Biling. “Eh magkamukha sila eh!” Paliwanag ni Gustang. “Gustang! Mag-isip ka! Mga langgam tayo. Magkakamukha tayong lahat! Kahit ikaw kamukha kita!”

Nasampal ni Biling si Gustang dahil sa inis. Nagalit si Gustang at pinutol ang isang kamay ni Biling. Sa galit ng dalawa, naghabulan sila sa gitna ng gubat. Sapakan doon… Sapakan dito… Dahil sa kanilang pagaaway, di nila namalayan na naapakan na pala sila ng taga-lupa. Namatay silang dalawa.

No comments: